Bigasan

Watch Bigasan Movie Online
watch pinoy indie film
watch pinoy bold


This story is of a struggling mediocricity that happens everyday in the lives of many Filipinos.

People from this place lives one day at a time.

Some were forced to steal just to sustain their daily needs, some aged woman would do anything just to meet both ends, and worst others would sell themselves to get a little money.

Every person has his/her story to tell and each chapter of their lives is increasingly layered with swarming realities.

Directed by Joven Tan.

Casts:
Joross Gamboa
Carlos Morales
Ana Capri
Perla Bautista
Irma Adlawan
Anita Linda

Aray

Watch Aray Movie Online
watch pinoy movies


Directed by Don Escudero
Ana Capri
Nini Jacinto
Rodel Velayo
Jackie Castillejos
Aki Zabarte
Manny Castañeda

Maharot

Watch Maharot Movie Online
watch filipino bold movies
watch pinoy movie online
Maharot, a teasing love story of naughty girl named Cecil (Kuhdet Honasan). The story heightened when Venel (Clark Concepcion), the soldier lover of Cecil, was assigned in Mindanao for a military mission. Days passed by, with the absence of his girlfriend's caring heart, he seeks sexual passion and attention with another lass... leaving Cecil with a broken heart and unfulfilled promises. Because of shattered vows, Cecil seeks affection in the persona of Venel's younger brother, James (Jon Romano) and had a forbidden relationship with a policeman in their town. After a couple of years Venel returned to his hometown wanting to resolve all the troubles he left, he found Cecil's discreet and unfaithful relationships with different men leading him to a discovery of sexual diversion.

Starring: Kuhdet Honasan, Jon Romano, Clark Concepcion

Campus Scandal

Watch Campus Scandal Movie Online
watch filipino bold movies
watch pinoy movie online
• Release Date: 29 July 1998 (Philippines)
• Genre: Drama
• Tagline: She teaches you...
• Runtime: Philippines:90 min

Piel Morena, Patrick Guzman, Leo Rabago, Jackie Castillejos, Pia Paula, Simon Ibarra, Hazel Espinosa, Jackie Diaz, Poppo Lontoc, Erick Contreras, Amado Cortez, Bella Flores, Marissa Delgado, Rustica Carpio, Boy Alano, Prospero Luna, Aldo Alvarez

Directors: Neal 'Buboy' Tan
Producers: Carmelita S. Fernandez, Apo Manansala
Music: Mike Loanzon

Sagad sa Init

The Philippines used to import women’s prison movies, but Sagad Sa Init (1988) proves they’re also innovative at softcore crime dramas. Jomari Yllana stars as a dancer who’s tapping the awesome ass of politician’s wife Sharmaine Arnaiz. Her husband is doing pretty well for himself with gorgeous mistress Ara Mina--but then Jomari does some double dipping with both Sharmaine and Ara.

Kerida

Things are not what they seem to be in this extraordinary scheme of things between a private eye, a kept woman, a philandering politician, and his suspecting wife. When Mr. Private Eye falls for the charms of Ms. Kept Woman, what's supposed to be an air - tight case begins to go haywire.

Alyas Bomba Queen

Like ordinary people, Sylvia, Arnel and Vangie have dreams they want to realize. But the harsh realities of life prevented these simple people from achieving their goals. Poverty has pushed them to work in a pub and sell themselves to strangers who long for pleasures of the flesh. They thought life was hopeless until the offer to start in a movie came. Now they will experience how it is to be compensated properly. But all their hopes wither as they face an unexpected end.

Segurista

Made destitute by the eruption of Mt Pinatubo, Karen decides to work as an insurance underwriter by day and GRO in a club by night.

In between, she beds men she meets at the club so they would buy insurance coverage.

Things are going well until she fell in love with one of her regualrs.

From thereon, it was downhill for her

Divino: Anak ni Totoy Mola

Bata pa lamang si Divino (Toffie Calma) hangad na ng kanyang lola ang maging isang kilos babae si Divino.

Katwiran-- nang hindi matulad sa ama (Gino Antonio) na malikot sa babae.

Ang bagay na iyon ang pinoproblema ng ama sa anak.

Kaya palihim na gumagawa ng paraan ang ama niya para maging isang ganap na lalake ang anak.

Maging ganap na lalaki kaya si Divino at matulad ng kanyang ama o magtagumpay ang nais ng kanyang lola.

Malagkit

The story of Celia and her family whose source of income is cooking and selling malagkit. Celia was forced to marry Igme whom her parents got indebted to although she is still emotionally attached to the another man she loves.

Warat

Rex and Rica are G.I. babies born to American fathers they never knew. Raised by a rich, gay adoptive father, Rex grew up feeling worthless and alone. Rica was brought up by an arrogant aunt who always makes her feel like she's a good for nothing bitch. One day, his foster father is killed, and Rex is accused of the crime. Rica, on the other hand, flees from her cruel aunt. Their paths cross as they both try to escape their predicaments. Crime and passion draw them to each other, and the thrill of it all drives them to yearn for more. But truth has its way of signifying itself: the day comes when they both learn that they have the same father.

Hapdi Sa Tag Init

It all took place in a small town where the summer sun shines the hottest. Three women and only two men to share during the season really makes it so hard for them to co-exist. A love trianlge with a different twist and sizzling scenes that will surely put the flaming hot sun to shame

XEREX

Tatlong uri ng mga babae ang naglahad ng kani-kaniyang sexperience na pawang nalathala sa artikulong Xerex: Sa "Kama", si Breezy (Aubrey Miles) ay isang kolehiyala na unti-unting namumulat sa sex dahil na rin sa kanyang modernong Lola (Armida Siguion-Reyna) na bukas sa usaping pagtatalik. Minsan sa isang costume party ay di sinasadyang nakaniig niya ang campus heartthrob na si Hunk (Jake Roxas). Aakalain ni Breezy na si Hunk ay seryoso sa kanya ngunit sadya pala itong mapaglaro kung kaya't gumawa siya ng paraan upang paglaruan at makaganti dito. Sa "O" naman ay malapit ng ikasal si Marge (Aubrey Miles) na naguguluhan kung siya ay tutuloy pa sa pagpapakasal sapagkat hindi niya naranasan sa lalaking kanyang pakakasalan ang rurok ng ligaya o orgasm. Naranasan niya ito sa isang estranghero (Kalani Ferreira) na kanyang nakaniig ng limang magkakasunod na araw. Ito ang lalong nagpalala ng kanyang pagkalito. Isang probinsiyanang elevator girl naman si Jasmin (Aubrey Miles) sa "Butas" na pinagpapantasyahan ang isang matipunong lalaking (Jon Hall) araw-araw sumasakay ng elevator. Nag-umigting lalo ang kanyang mga pantasya nang masilip niya sa "butas" ang pakikipagtalik ng kanyang bagong kapit-kuwarto.

Isang makabago at kakaibang uri ng paglalahad ng kuwento ang Xerex. Nagsubok ang pelikulang tumaliwas sa kumbensiyon ng tipikal na pelikulang bold o drama. Naging matagumpay naman ang Xerex sa aspetong ito sapagkat pawang batikan ang manunulat (Roy Iglesias) nito't direktor (Mel Chionglo). Maayos ang daloy ng kuwento ng bawat kabanata na hindi lamang nakasentro sa "sexperience" kundi nabigyang lalim at laman din ng pelikula ang mas makabuluhang aspeto ng kuwento. Wala nga lang malinaw na iisang konsepto ang trilohiya kung kaya't hindi gaanong malinaw ang nais sabihin nito sa kabuuan. May mga mangilan-ngilang sablay din sa editing. Hindi pa rin maikakailang hilaw at malamlam ang pag-arte ni Aubrey Miles. Hindi niya tuloy nadala ang pawang mga baguhan niyang kasama bagkus ay nahila pa niya ang mga ito pababa. Naisalba naman siya ng ilang batikang artista na di matatawaran ang husay tulad nina Armida Siguion-Reyna at Ynez Veneracion.

TUMITIBOK... KUMIKIROT

Makalipas ang pitong taong hindi pagkikita, naisipan ni Victor (Allen Dizon) na bumuo ng isang pagtitipon-tipon ng mga kabarkada niya noong high school sa isang beach resort. Una niyang tinawagan si Dawn (Jeannete Joaquin) na kasal na sa dati din nilang kaklase na si Jon (Mon Confiado). Sa tulong ni Dawn ay nabuo ang barkada kasama sina Eunice (Millet Abalos) at Edilon (Michael Gomez). Muling magbabalik ang kanilang mga gunita noong high school pa lamang sila. Kasabay nito'y marami rin silang madidiskubreng mga pagbabago sa bawat isa: ang pag-asenso ni Victor, ang pagwawala ni Eunice, ang paghihirap ng dating mayaman na si Jon, ang pagiging "ander de saya" ng dating siga na si Edilon. Ngunit higit na makulay ang pagbabalik-tanaw nila Victor at Dawn ng kanilang nakaraang pag-ibig lalo pa't hindi na masaya si Dawn kay Jon. Lingid naman sa kaalaman ni Dawn, may pinakatatagong lihim si Victor na matagal na niyang kinikimkim sa isang homosexual na lihim na pagtingin kay Jon. Mabubunyag ang lihim na ito na ikagugulat ng lahat ngunit ikapapanatag naman ng loob ni Victor na siya ring magiging daan sa maluwat na pagsasama ng lahat.

Tulad sa inaasahan, maraming sablay ang pelikula kahit sa mismong kuwento pa lamang. High school reunion ba talaga ang kanilang pagkikita o college reunion? Paanong mababago ang kanilang buhay makalipas lamang ang pitong taon mula matapos sila ng high school? Kakatwa rin ang disenyong pamproduksiyon na pawang hindi pinagisipan at halatang tinipid. Sa kabilang banda'y mahusay ang pagganap ng ilan sa pangunahing tauhan lalo na si Mon Confiado. Kulang na kulang naman sa karakterisasyon ang iba tulad nina Allen Dizon at Jeannete Joaquin. Madalas din madilim ang kuha ng kamera at hindi maayos ang komposisyon.

SILANG MGA RAMPADORA

Si Abigail [Aila Marie] ang naging bunga ng panggagahasa kay Melanie [Melissa Mendez]. Bagama't mahal ni Melanie ang kanyang anak, iniwan pa rin niya ito, sapagkat hindi niya magawang mahalin ang lalaking nanggahasa sa kanya, maliban pa ang kanyang ambisyong yumaman. Lumaki si Abigail na walang kinikilalang ina. Nang mamatay ang kanyang ama, lumuwas siya ng Maynila kasama ang kanyang lola na si [Odette Khan] sa pagbabakasakaling magkaroon ng magandang kapalaran. Naging promodel siya at dito ay nakilala niya si Tom [John Apacible] na tinulungan siyang maging isang "modelo ng masa." Lingid sa kanyang kaalaman, ang kanyang inang si Melanie ay isa nang kinikilalang institusyon sa industriya. Nag-krus ang kanilang landas nang di niya namamalayan. Ang kanilang pagtatagpo bilang mag-ina ay hindi magiging madali sapagkat magiging hadlang sa kanilang kaligayahan ang kanyang kapatid sa ina na si Trisha [Trisha Ferreli], na isang sikat na modelo, na punong-puno ng galit sa kanyang inang si Melanie.

Walang masyadong bago sa pelikula kung kuwento ang pag-uusapan. Ang Silang mga Rampadora ay hindi nakapagbigay ng bagong mensahe ukol sa buhay ng mga modelo sa rampa. Kung tutuusin pa nga ay hindi naman dito umikot ang kuwento, bagkus, ang kuwento ay nakasentro sa relasyon ng mag-inang pinaghiwalay ng kapalaran at panahon. Hindi naman lubos na nakakabagot ang pelikula sa kabuuan dahil naging masinop naman ang pagganap ng mga pangunahing tauhan, maliban na lamang sa mga baguhang tulad ni Trisha Ferrelli na nangangailangan pa rin ng kaunting hasa sa pag-arte. Epektibo ang naging paggamit ng flashback at pasado naman ang daloy ng pelikula.

SEX DRIVE

Labis ang sama ng loob ni Sheila (Maui Taylor) nang siya ay iwanan ng kanyang boyfriend na si Troy dahil lamang sa hindi pa siya handang ibigay ang kanyang pagkababae. Natatakot si Sheila sa sakit ng unang pagtatalik na maari niyang maramdaman. Bilang pagdamay, sinamahan ni Mel (dating kasintahan ni Troy) si Sheila upang sundan si Troy na pumuntang Sagada nang may kasamang bagong girlfriend. Sa kanilang pagmamaneho sa highway ay naakit sila sa isang makisig na nagmomotorsiklo (Wendell Ramos) at tinukso nang tinukso ito hanggang bumangga ang minamaneho nitong motor. Nang magkamalay ang lalaki, wala na itong maalala kahit pangalan niya. Pinaglaruan nila ang lalaki, pinapaniwalang "Winston" ang kanyang pangalan at kanyang kasintahan si Sheila. Hindi naglaon, isinuko na rin ni Sheila ang pagkababae kay Winston; samantala, nagkaakitan din si Winston at Mel. Lingid sa kanilang kaalaman, may humahabol kay Winston na kilala lamang sa alyas na "Salagubang" (Antonio Aquitania), isang taong pumapatay nang sinumang mapadikit kay Winston.

Isang tipikal na kuwentong binigyan lamang ng bagong bihis at kakaibang lihis ng pangyayari ang Sex Drive. Bagama't naging pasable na ang ilang teknikal na aspeto tulad ng sinematograpiya, musika at tunog, hindi nito napagtuunan ng pansin ang mismong kuwento na wala namang bagong inihain. Walang lalim ang karakaterisasyon at hindi nabigyang linaw ang motibo ng mga pangunahing tauhan. Mababaw, manipis, at walang kapararakan ang kuwento ng Sex Drive, isang pelikulang ang laman ay wala sa istorya kundi nasa mayayamang dibdib ng mga artista.

SABIK SA PAG-IBIG

Ang kahinaan ng tao sa tukso ay muling naisalarawan sa pelikulang ito sa buhay ni Nena (Rajah Montero). Siya ay madaling nahuhumaling at napapaibig dahil sa mga matatamis na pananalita ng mga lalaking ang gusto lamang sa kanya ay ang kanyang alindog. Sa una niyang kasintahan naibigay ang kanyang sarili at nang malaman niya na niloloko pala siya, nagsimula siyang umawa ng mga bagay na hindi niya pinag-iisipan. Sa isang masugid niyang manliligaw, si Rico (Francis Enriquez) siya nagpakasal. Subalit si Rico ay baog at kulang sa ambisyon sa buhay. Dahil sa kahirapan na dinaranas nila, madali siyang nabola ni Bob (Alberto Esteban) at siya ay nabuntis nito. Nang malaman ni Rico ang kalagayan ni Nena, pinalayas niya ang asawa na kinupkop naman ni Mang Saba. Subali't parang itinakda ng tadhana na nang oras na niyang manganak ay wala si Mang Saba at si Pepe (Mark Dionisio) ang nagpaanank at nag-alaga sa kanya. Ito na kaya ang simula ng pagkakaroon ng direksyon sa buhay ni Nena? Maraming pang dapat gawin sa pelikulang ito upang maging karapat-dapat sa mga manonood. Kulang pa sa pagsasabuhay ng mga pangunahing artista ang kanilang mga karakter. Hindi gaanong maayos ang komposisyon at ang mga eksena minsan ay tumatalon. Mahaba at "close-up" ang mga "breast exposure" na eksena at ganon din ang mga eksenang pakikipagtalik. Marahil ang isang magandang bagay ay ang mga kuha ng mga tanawin sa Nueva Vizcaya. Pinipilit ng direktor maging makasining sa paggamit ng mga "special camera shots" sa isang eksena ng pagtatalik sa may ilog, subalit di rin maganda ang pagkakagawa.

Ang pelikulang ito ay nahahanay sa mga ibang pelikula na upang mapansin ang isang baguhang artista ay madalas nakahubad at nakikipagtalik sa iba-ibang kaparehang lalaki. May mga eksenang pampatawa na wala sa lugar tulad ng pamboboso ng tiyuhin at kapatid ni Pepe kay Nena. Pinipilit bigyan ng aral ang pelikulang ito, subalit hindi lumutang ito gawa ng dalas ng paghuhubad ng mga artista. Kung meron mang aral na mapupulot ito ay ang pagpili ng tamang desisyon sa buhay, maging matatag sa tama at marunong humingi ng tawad sa mga nagawang mali.

SA PILING NG MGA BELYAS

Muling binalikan ni Tata (Mark Gil) ang mga alaalang iniwan ng kanyang isinarang kabaret. Isinalaysay niya sa kanyang pamangkin na si Martin (Mark Anthony Fernandez) ang mga sandali ng pinaghalong lungkot at ligaya noong mga panahong tumatakbo pa ang kanyang negosyo sa tulong na rin at sa piling ng kanyang mga belyas (mga babaing isinasayaw ng mga kalalakihang parokyano na kanila ring inaaliw). Mananariwa ang mga alaala ng bawat kuwento ng mga belyas sa kabaret ni Tata. Si Naty (Pinky Amador) ang pinakamatandang belyas na nagsilbi na ring recruiter ng mga baguhan. Ang anak niyang si Iris ay nais sundan ang kanyang yapak ngunit tutol siya dito. Nasa poder din ni Naty ang iba pang belyas na may kani-kaniyang kuwento: si Jenny na kapatid ni Sonia (Sofia Valdes); si Nina (Julia Lopez); si Pilar at si Jenny na nagbelyas upang matulungan ang pamilya. Ang kanilang mga buhay ay nagsanga-sanga at umikot sa loob at labas ng kabaret.

Isang masalimuot na tangka ang pelikulang Sa Piling ng mga Belyas. Bagama't pinilit itong bigyan ng isang elementong magtatagpi-tagpi sa bawat kuwento ng mga belyas, naging sabog pa rin ang resulta nito. Bagama't may iisang punto de bista, ang napakaraming tauhan sa kuwento ang pangunahing butas at problema ng pelikula. Nasayang lamang ang husay ng ilang batikang aktor tulad nina Mark Gil, Mark Anthony Fernandez at Pinky Amador. Ang mga baguhang Violet Belles naman ay nangangailangan pa ng ibayong paghasa sa pag-arte. Malaki rin ang kakulangan ng pelikula sa disenyong pamproduksiyon. Hindi malaman kung ano ba talaga ang panahon na inilalarawan sa pelikula. Minsan ay mukhang makaluma ang mga tauhan, kung minsan naman ay makabago. Kung panahon nga ng mga belyas ito, dapat lamang sa dekada 70 (kung hindi mas una pa) ang ayos ng mga tauhan at kapaligiran.

PILYA

Pilya itong si Lucy Cristobal (Trina Shields). Pumasok siya sa Sogo Hotel na nakasuot-madre, nagsigarilyo't nakipaghalikan sa katipang si Jayjay (Nixon Cruz), inakit ang titser na si Ms. Fernandez (Kristina Kasten), at tinukso si Bernard Guillermo (Joey Galvez) na halos lumabas ng seminaryo. Tanging ang kanyang maysakit na kapatid na si Grace Castro (Melissa Mendez) ang nakaaalam kung bakit siya nagkaganito. Ngunit hindi maganda ang kanilang relasyon kung kaya't pinalayas nito ang kapatid nang mabalitaan niyang nasangkot si Lucy sa isang drug raid. Tumira siya sa Sogo Hotel upang ipagpatuloy ang kanyang kapilyahan. Dito'y natuklasan niyang may "double life" si Mauro (Bobby Benitez), ang asawa ni Grace. Dito rin ang huling paanyaya ni Grace na umuwi na si Lucy upang ipagtapat ang lihim na itinago sa kanya bago siya pumanaw. Mananatili pa bang pilya si Lucy matapos niyang malaman ito?

Halatang ang pagkakapili sa pangunahing artista ay dahil lamang sa kanyang katawan; maliban dito ay wala ni anumang husay ang pagkakaganap sa istorya. Mahina ang mga dialogo nito; tagni-tagni ang mga kuha, at mabagal ang pag-usad ng kwento. Sa positibong antas, nababanaag naman ang gilas ng direktor upang makalikha ng isang kapani-paniwalang pelikula—makikitang gumaganda ang kalidad ng sinematograpiya, balanse ang mga kuha, at maganda ang pagkakailaw ng mga madidilim na lokasyon. Ang nakapagtataka ay kung paano nakunan ang labas ng mga seminaryo't malalaking simbahan, ngunit ang loob ng mga ito'y tila isang maliit na kapilya lang ang makikita.

MOTEL

Sa pagnanais na magbigay ng isang magandang kinabukasan sa kanyang asawang si Divine (Rose Valencia) at sa kanilang magiging mga anak, nagpilit na mangibang bansa si Lorenzo (Allen Dizon). Tutol dito si Rose pagkat unang-una, buntis na siya at ayaw niya nang nag-iisa; ikalawa, kakakasal lamang nila—ngunit nangibabaw din ang gusto ng lalaki, tutal "tatlong taon lamang", katwurin niya. Sa loob ng tatlong taon, matiyagang naghintay si Divine kahit na siya'y lubos na nangungulila. Pagkaraan ng tatlong taon, humingi pa ng "extension" si Lorenzo hanggang maging limang taon. Samantala, sa matinding pangungulila, nadarang na rin si Divine sa pagnanasa ng masugid na mangliligaw na si Dick. Nang biglaang dumating si Lorenzo mula sa ibang bansa, lulong na ang dalawa sa kanilang kataksilan. Isang gabi, nilisan ni Divine ang mag-ama upang sumama sa mangingibig.

Ang nagdala lamang ng Motel ay ang kuwento nitong kayang panabikin ang manonood sa kabila ng napakaraming kapintasan ng pelikula. Mapurol ang editing kaya nagmukhang tagni-tagni ang pelikula sa dami ng "butas" na humihingi ng paliwanag tungo sa ikabubuo ang istorya, Maaayos pa sana ang script kung pinagbuhusan ng kaunting pang panahon ang pagbubuo nito. Hindi pantay-pantay ang kalidad ng acting o pagsasalarawan ng mga tauhan: minsa'y mukhang totoong-totoo at kapani-paniwala ang mga tagpo, ngunit kadalasa'y nakakapanggigil sa kakulangan ng damdamin— halimbawa: ang dialogue ay isinaulo lamang ngunit hindi isinapuso kaya matabang at maputla ang dating.

MGA BABAE SA VIP ROOMS

Kasama ng iba pang kababaihan, si Celine (Rose Valencia) ay isang masahista sa isang massage parlor. Gabi-gabi ay iba't-ibang lalaki ang kanyang sineserbisyohan at kadalasa'y binibigyan niya ng "special service." Nang makilala niya ang kauna-unahang lalaking nagpatibok ng kanyang puso, si Reen (Brandon Legaspi), nagdalawang-isip siya kung magpapatuloy pa siya sa kanyang hanapbuhay sapagkat takot siyang hindi ito matatanggap ng lalaki. Kasabay nito'y nakilala naman ng kasamahan niyang si Leona si Burt (Mike Magat) na nangako sa kanya ng wagas na pag-ibig at magandang buhay. Sila na nga ba ang mag-aahon sa kanila sa putikan kinakasadlakan? Kaya ba nilang talikuran maging ang kanilang mga kaibigang babae sa VIP rooms?

Kung may pelikulang maituturing na nagsayang ng negatibo ng film isa na rito ang pelikulang Mga Babae sa VIP Rooms. Walang tinalakay na problema sa pelikula sapagkat wala man lamang itong maituturing na kuwento. Ninais lamang nitong ilahad kung ano ang nangyayari sa mga VIP rooms ng massage parlors gabi-gabi. Bukod doon, ay halos walang pinatunguhan ang pelikula sa kabuuan. Mababaw ang karakterisasyon at manipis ang istorya. Wala itong anumang maaring ipagmalaki mula sa mga malalabong kuha ng kamera na nagbabad sa mga eksenang walang katuturan, hanggang sa walang kabuhay-buhay na pagganap ng mga tauhan na halos hindi kilala. Isang maling pelikula ito kung ang layon ay ipakilala ang ilang baguhang artista dahil walang may maiiwang maganda o kapaki-pakinabang ang pelikulang ito.

MAPUPULANG LABI

Inanunsyo sa isang pagtitipon ang nalalapit na kasal nina Poncy de Reyna (Marcus Madrigal) at ni Lara (Candy Alison). Ngunit nang magmaneho si Poncy nang gabing yaon, nakabundol siya ng isang babaeng tumatakbo nang hubad. Agad itong dinala sa ospital ngunit nang magkamalay ay di maalala nito kung sino siya o kung ano ang nangyari sa kanya. Pinangalanan itong Jennifer (Maye Tongco) ng hospital staff at nalaman nina Poncy at Lara na positibong ginahasa siya ng mga di kilalang lalaki. Dahil sa habag ni Poncy kay Jennifer, minabuti nitong alagaan ang babae at patirahin sa kanyang resthouse sa Batangas. Doon, nabuo ang isang relasyon. Galit na galit naman itong si Lara, kumalas kay Poncy at ipinagpalit ang kaibigan nitong si Allan (Joshua Diaz). Ngunit habang lumalalim ang pagkakakilala ni Poncy kay Jennifer, nalaman ni Poncy na di maganda ang pinagdaanan ni Jennifer. Magkakabalikan pa kaya sila ni Lara?

Kahanga-hanga ang musical scoring na ginawa ni Rey Valera para sa pelikulang ito. Maganda pati ang pagkakabuo ng sound effects ng pelikula. Maliban doon ay mahina na ang lahat sa pelikula—walang maipagmamalaki sa pag-arte ang nga nagsiganap, manipis ang buong kwento at plot development, maraming hindi kapani-paniwala sa pelikula. Katulad ng karamihan ng bold films, masasabing ito'y low budget maliban marahil sa mga pamasaheng ginastos sa mga location shooting. Bagamat pasable naman ang research na ginawa upang ang technical data na kailangan sa script ay magmukhang kapani-paniwala, tulad ng mga katagang ginamit sa pulisya at ospital.

MAPANUKSO

Ang sabi nila ang pag-ibig ay hindi napipilit at kusa lamang dumadating. Si Carlo (Gerald Lauron), isang mabait at mapagkalingang anak, lingid sa kanyang ina ay nagtatrabaho bilang isang macho dancer sa isang gay bar. Sa trabaho ni Carlo nakilala si Jerome (Emilio Garcia), isang gayproduction manager, na sa una nilang pagkikita ay umibig na ang huli. Tinulungan ni Jerome si Carlo umangat sa buhay sa pamamagitan ng paglapit ni Jerome sa kaibigang direktor upang maisama sa mga proyekto. Nagsama at umusbong ang relasyon ni Jerome at Carlo subalit ang huli ay may tinatagong minamahal, si Donna (Tracy Torres), isa ring mabait at mapagkalingang anak sa kanyang ama na may sakit at nagsasayaw sa klab upang mabuhay. Nabisto ni Donna na may karelasyon na bakla si Carlo. Pinapili ni Donna si Carlo sa kanilang dalawa at pinili niya si Donna. Labis na ikinalungkot ni Jerome ang paghihiwalay nila ni Carlo kayat napag-isipan niyang wakasan ang kanyang buhay at ito'y isinakatuparan niya. Nang malaman ni Lara (Clarissa Mercado), nakababatang kapatid ni Jerome, ang nangyari umuwi kaagad siya galing Amerika upang malaman kung sino ang may kagagawan upang siya ay makaganti. Ang plano ni Lara ay paibigin si Carlo sa kanya nang lubos at kapag alam niyang mahal na mahal na siya ay iiwanan niya ito. Madali bang pigilan ang damdamin lalo na kapag puso na ang umiral?

Maraming pagkukulang sa pelikula at maaaring baguhin sa larangan ng teknikal, istorya at pagganap ng mga bidang artista. Nakapanghihinayang ang husay ni Emilio Garcia sa proyektong ito dahil mababaw lamang ang kanyang karakter na maaari sanang palawakin. Si Clarissa Mercado naman ay may potensyal na maging isang mahusay na aktres kung bibigyan niya ng panahon. Halos lahat ng eksena ay masyadong maliwanag at ang musika na inilathala ay hindi nakakatulong sa eksena. Dahil dito hindi madama ng nanonood ang mga madamdaming eksena ng pelikula. May ilang eksena ay parang kuha ng isang amateur videographer at hindi ng isang cinematographer dahil saliwa ang anggulo ng kuha at mga pinipiling kuha, at hindi pinag-aralan ng komposisyon. Gumamit din ng lumang teknik sa transition ng mga eksena. Sa pangkalahatan, walang naiba ito sa mga ibang pelikula na ang hubad na katawan ng mga artista ang bentahin nito.

LUPE

Sinisikap ni Lupe (Andrea del Rosario) na maibasan ang pangungulila sa asawa niyang seaman na si Manolo (Leandro Muñoz) sa pamamagitan ng mga sulat, pakikinig ng voice tape at pagbisita sa construction site ng kanilang bahay sa burol. Hindi nakapag-aral si Lupe at ulilang lubos nang pakasalan ni Manolo. Nakapisan siya sa bahay ng kaniyang biyenan na nakikialam sa perang pinapadala ng kanyang asawa at sinasamantala ang kakulangan niya sa kaalaman. Sa isang seafarer's seminar tungkol sa AIDS ay makikilala ni Lupe si Elmo (Jordan Herrera) na kaibigan ni Manolo at magpapakita ng motibo para tuksuhin siya. Pilit sana itong pinaglalabanan ni Lupe pero sa kalaunan ay bibigay din siya at pagsisimulan ng higit niyang kalbaryo sa buhay. Mabubuntis siya at ito'y magdudulot ng labis na kahihiyan sa kanyang sarili at kay Manolo. Ipapasya niyang lumayo at hanapin si Elmo pero matutuklasan niya na mayroon pala itong AIDS at posibleng nasalin sa kanya at sa sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa pagbabalik ni Manolo ay hihikayatin niya si Lupe na magsimulang muli at ipagtapat ang kinalaman niya sa mga ginawa ni Elmo maliban sa pagkakamatay nito sa sakit ng AIDS.

Katulad ng sinasabi sa simula ng pelikula, ang Lupe ay hindi tipikal na kuwento ng nangungulilang asawa ng seaman kundi ng isang tao na nais gumawa ng bahay sa alanganing lugar. Ang pangunahing tauhan na si Lupe ay inilalarawan din ang sarili niya na alanganin, may binuburang nakaraan at walang tiyak na patutunguhan. Maganda ang kuha ng mga hampas ng dagat sa batuhan at takipsilim gayundin ang inilapat na tunog. Subalit kapansin-pansin na limitado sa angulo sa fullshot at hindi masyadong malikhain ang mga kuha ng kamera sa maraming eksena ng hubad na katawan. Hindi naging maingat sa editing ang pelikula at madali itong mapapansin sa detalye ng mga eksena. Nakatulong naman ang suporta ng batikang aktres na si Marissa Delgado upang magkaroon ng buhay ang pag-arte sa pelikula dahil hindi ito naibigay ng mga pangunahing tauhan.

LIBERATED

Si Pauleen (Diana Zubiri) ay isang liberated woman, pati na ang kanyang mga kabarkadang sina Trixie (Francine Prieto), Frankie (Rodel Velayo) at Katrina (Tuesday Vargas). Sa kani-kanilang liberated na pananaw, naiiba ang kay Pauleen sapagkat ang kanyang pagiging liberated ay nangangahulugang walang pakundangan sa sasabihin ng ibat basta't masunod lamang ang hilig ng kanyang katawan. Walang trabaho at walang direksyon ang buhay, kung kani-kaninong lalaki siya pumapatol basta't kanya itong matipuhan. Naging malaking dagok sa kanya nang hiwalayan siya ng kanyang nobyong si Tony (Christian Vasquez) dahil nahuli siya nitong nakikipagtalik sa ibang lalaki. Niligawan ni Tony si Trixie at ang dalawa'y nagkatuluyan. Lingid sa kanilang kaalaman, labis pa rin ang pagkagusto ni Pauleen kay Tony. Kung kaya't nang nakitaan nito ng butas ang relasyon ng dalawa, siya ay nanghimasok upang guluhin ito. Saan kaya siya dadalhin ng kanyang liberated na pananaw sa buhay at relasyon?

May istorya ang Liberated, at sinikap pa nga nitong magbigay-aral, ngunit hindi naging kapani-paniwala ito gawa ng maraming mga kakulangan. Sa parting teknikal, hindi pambihira ang pelikula—sa katunayan pa nga ay kulang sa maraming aspeto, tulad ng editing, tunog, atbp. May mga eksenang panggulo lamang sa istorya ngunit pangiliti sa manonood, tulad ng "panghahagip" ng mga bakla. Hindi rin consistent ang sinematograpiya—kapag eksenang-kama, pinipilit nitong maging makasining, ngunit sa iba naman ay karaniwan lamang. Masasabing tapat ang pag-arte ng mga pangunahing tauhan, subalit hindi rin naman maikakaila na walang gasinong hinihinging kakayahan ang kanilang mga papel maliban lamang sa kakayahang maghantad ng katawan at "makipagtalik" sa harap ng kamera.

KISKISAN

Umiikot ang kwento sa isang prominenteng pamilya sa San Miguel, Bulakan. Si Lola Susanna (Anita Linda) may tatlong apo na sina Jojo (Emilio Garcia), ambisyoso, dominante at may halong pagkamuhi kay Marvin, si Marvin (Gardo Versoza), mabait, mapagkumbaba, at si Olive (Ana Capri) na may lihim na itinatago. Dahil sa pagkatao ni Jojo, lahat ng kanyang maibigan, pera man o babae, ay kanyang nakukuha kahit sa paanong paraan. Wala siyang kabusugan sa mga makamundong bagay, ngunit bigo siya kay Adora (Red Riviera) na kanyang tunay na mahal–-sapagkat si Marvin ang minamahal ni Adora. Ang balak ni Jojo ay agawin kay Marvin si Adora kahit na mag-asawa na sila sa pamamagitan ng panggigipit at panlilinlang. Nagkunyari si Jojo na wala siyang kinalaman sa mga kamalasan ng mag-asawa tulad ng pagkasunog ng kanilang bahay at pagtanggal ni Marvin sa trabaho sa munisipyo. Bagkus pinalabas niya na matulungin siya sa mga ito. Dumating ang panahon na may mabigat na suliranin ang pamilya ni Adora at wala rin siyang matakbuhan kundi si Jojo. Labis na ikinatuwa ni Jojo ang mga pangyayari dahil lalong nababaon sa utang sa kanya ang mag-asawa. Sa mga pagsubok na hinahaharap nila, hanggang kailan kaya tatagal ang pag-ibig nina Adora at Marvin? Pera o pag-ibig ba ang dapat maging sukatan ng isang relasyon?

Kapansin-pansin ang kahusayan ng mga pangunahing gumanap, maliban kina Halina Perez (Gemma) at Red Riviera na nangangailangan ng pagsasanay sa pag-emote ng kanilang linya. Ang sinematograpiya sa pangkalahatan ay mahusay, maliban sa halatang pabor na binibigay ng director sa mahusay na artista na ang kanyang mga eksena ay "artistic" ang gawa. Sa kabilang dako ang salat sa "acting ability" ay "ine-exploit"sa pamamgitan ng paghuhubad. Paminsan-minsan maliwanag ang ilang eksena na dapat ay madilim. Ang musika naman at tunog ay akma sa mga eksena. Naliko ng landas ang kuwento dahil hindi malaman kung paano maipapakita kung paanong mabaon sina Red sa utang na loob kay Emilio na hindi gagamit ng mga gastadong dahilan tulad ng suliranin sa pamilya.

KALABIT

Hindi masaya sa kanyang buhay may-asawa si Andrea (Ara Mina), sinasaktan siya ng kanyang asawang si Boggs (Raymond Bagatsing) na isangsecurity guard na wala ring malasakit sa kanyang pangangailangang sekswal. Nang minsang papuntahin ni Boggs ang ka-relyebong security guard na si Tonyo (Carlos Morales) sa kanilang bahay upang dalhan ng pagkain si Andrea, magkahalong awa at bighani ang ang naramdaman ni Tonyo kay Andrea. Nakatagpo ng karamay si Andrea kay Tonyo hanggang nagkaroon sila ng sekswal na relasyon. Hindi lamang sa trabaho naging magkarelyebo sina Boggs at Tonyo, lingid sa kaalaman ni Boggs, karelyebo din niya sa asawa si Tonyo. Unti-unting lumalim ang pagnanasa ni Tonyo kay Andrea habang lalong lumalala ang pagsasama nina Boggs at Andrea. Ngunit ang pagnanasa ni Tonyo ay umabot sa sukdulan at dito ay lumabas ang tunay niyang kulay na kasing-sahol kundi man masahol pa kay Boggs. Panay ang banta ni Boggs na papatayin si Andrea kapag nahuli siyang may ibang lalaki, kasabay din ng banta ni Tonyo na magsusumbong kay Boggs kapag hindi sumama sa kanya si Andrea.

Higit sa inaasahan ang ipinamalas ng Kalabit kung teknikal na aspeto ang pag-uusapan. Maayos ang pakakahabi ng kuwento, may laman ang dialogo, akma ang sinematograpiya at komposisyon. Hindi nga lang masyadong kapani-paniwalang sa matagal na panahon ay naitago nina Andrea at Tonyo ang kanilang relasyon samantalang ding-ding lamang ang pagitan ng kanilang bahay sa mga kapitbahay. Paanong hindi masisilip o maririnig man lang ng mga kapitbahay ang mga halinghingan ng dalawa? Lumutang naman ang kagalingan ng mga pangunahing tauhan na pawang nga premyado. Isang rebelasyon din si Alma Soriano na sadyang lumutang sa iilan niyang eksena.