Two Timer Movie

Maayos at walang problema ang pagsasama ng mag-asawang Viveca (Ara Mina) at Cholo (Albert Martinez). Ngunit lingid sa kaalaman ni Cholo, si Viveca ay may natatanging "karamdaman" na halos tulad sa isang nymphomaniac na naghahanap at nagpapantasya ng ibang lalaking kasiping maliban sa asawa. Minsan, ang mga pantasyang ito ni Viveca ay nauuwi sa totohanang one-night stands, hanggang sa makaniig niya sa isang si Andrei (Wendell Ramos). Ang akala ni Viveca ay magiging tulad lamang si Andrei ng ibang mga lalaking minsan ay nakaniig niya; hindi niya inakalang magku-krus muli ang kanilang landas at iyon ang magiging simula ng kanyang kalbaryo.

Sa una'y aakalaing isang lokal na bersiyon lamang ng kontrobersyal na Unfaithful ang Two-Timer ngunit maliban sa tema ay malaki ang pagkakaiba ng dalawang pelikula. Tinatalakay ng Two-Timer ang problemang pakikiapid mula sa iba't ibang pananaw at context. Ang resulta tuloy ay isang masalimuot na kuwentong walang malinaw na direksiyon at mensahe. Maayos naman ang ibang aspetong teknikal tulad ng sinematograpiya at tunog. Mahusay din ang naging pagganap ng mga pangunahin (maliban sa matabang na pag-arte ni Ara) at pangalawang tauhan (maliban laman kay Evangeline Pascual). Ngunit ang mahusay na pagganap ay nababalewala kung ang mismong istorya at ang pagkakahabi ng kuwento ang may problema.