Makalipas ang pitong taong hindi pagkikita, naisipan ni Victor (Allen Dizon) na bumuo ng isang pagtitipon-tipon ng mga kabarkada niya noong high school sa isang beach resort. Una niyang tinawagan si Dawn (Jeannete Joaquin) na kasal na sa dati din nilang kaklase na si Jon (Mon Confiado). Sa tulong ni Dawn ay nabuo ang barkada kasama sina Eunice (Millet Abalos) at Edilon (Michael Gomez). Muling magbabalik ang kanilang mga gunita noong high school pa lamang sila. Kasabay nito'y marami rin silang madidiskubreng mga pagbabago sa bawat isa: ang pag-asenso ni Victor, ang pagwawala ni Eunice, ang paghihirap ng dating mayaman na si Jon, ang pagiging "ander de saya" ng dating siga na si Edilon. Ngunit higit na makulay ang pagbabalik-tanaw nila Victor at Dawn ng kanilang nakaraang pag-ibig lalo pa't hindi na masaya si Dawn kay Jon. Lingid naman sa kaalaman ni Dawn, may pinakatatagong lihim si Victor na matagal na niyang kinikimkim sa isang homosexual na lihim na pagtingin kay Jon. Mabubunyag ang lihim na ito na ikagugulat ng lahat ngunit ikapapanatag naman ng loob ni Victor na siya ring magiging daan sa maluwat na pagsasama ng lahat.
Tulad sa inaasahan, maraming sablay ang pelikula kahit sa mismong kuwento pa lamang. High school reunion ba talaga ang kanilang pagkikita o college reunion? Paanong mababago ang kanilang buhay makalipas lamang ang pitong taon mula matapos sila ng high school? Kakatwa rin ang disenyong pamproduksiyon na pawang hindi pinagisipan at halatang tinipid. Sa kabilang banda'y mahusay ang pagganap ng ilan sa pangunahing tauhan lalo na si Mon Confiado. Kulang na kulang naman sa karakterisasyon ang iba tulad nina Allen Dizon at Jeannete Joaquin. Madalas din madilim ang kuha ng kamera at hindi maayos ang komposisyon.
Showing posts with label Mon Confiado. Show all posts
Showing posts with label Mon Confiado. Show all posts
MOTEL
Sa pagnanais na magbigay ng isang magandang kinabukasan sa kanyang asawang si Divine (Rose Valencia) at sa kanilang magiging mga anak, nagpilit na mangibang bansa si Lorenzo (Allen Dizon). Tutol dito si Rose pagkat unang-una, buntis na siya at ayaw niya nang nag-iisa; ikalawa, kakakasal lamang nila—ngunit nangibabaw din ang gusto ng lalaki, tutal "tatlong taon lamang", katwurin niya. Sa loob ng tatlong taon, matiyagang naghintay si Divine kahit na siya'y lubos na nangungulila. Pagkaraan ng tatlong taon, humingi pa ng "extension" si Lorenzo hanggang maging limang taon. Samantala, sa matinding pangungulila, nadarang na rin si Divine sa pagnanasa ng masugid na mangliligaw na si Dick. Nang biglaang dumating si Lorenzo mula sa ibang bansa, lulong na ang dalawa sa kanilang kataksilan. Isang gabi, nilisan ni Divine ang mag-ama upang sumama sa mangingibig.
Ang nagdala lamang ng Motel ay ang kuwento nitong kayang panabikin ang manonood sa kabila ng napakaraming kapintasan ng pelikula. Mapurol ang editing kaya nagmukhang tagni-tagni ang pelikula sa dami ng "butas" na humihingi ng paliwanag tungo sa ikabubuo ang istorya, Maaayos pa sana ang script kung pinagbuhusan ng kaunting pang panahon ang pagbubuo nito. Hindi pantay-pantay ang kalidad ng acting o pagsasalarawan ng mga tauhan: minsa'y mukhang totoong-totoo at kapani-paniwala ang mga tagpo, ngunit kadalasa'y nakakapanggigil sa kakulangan ng damdamin— halimbawa: ang dialogue ay isinaulo lamang ngunit hindi isinapuso kaya matabang at maputla ang dating.

Subscribe to:
Posts (Atom)