Showing posts with label rita magdalena. Show all posts

Hapdi Sa Tag Init
It all took place in a small town where the summer sun shines the hottest. Three women and only two men to share during the season really makes it so hard for them to co-exist. A love trianlge with a different twist and sizzling scenes that will surely put the flaming hot sun to shame
Pukyutan Movie
Ipinamigay si Adora (Nini Jacinto) ng kanyang ina noong bata pa siya sapagkat lagi na lamang siyang nagiging dahilan ng pag-aaway ng ina at ng asawa nito. Lumaki si Adora sa piling ng kanyang tiyahin na si Lydia (Rita Magdalena), isang bagay na hindi nakabuti sa bata sapagkat nang magdalaga si Adora ay tinangka ni Lydia na ipambayad-utang ito sa biyudong si Artemio, may-ari ng beefarm na pinagkukunan ng panindang pukyutan ni Lydia at ng asawa nitong si Ding. Matagal nang nililigawan ni Nato si Adora ngunit ang napupusuan ng babae ay si Ernie, isang batang doktor na nadestino sa kanilang baryo. Sa pagkakalapit ni Adora at Ernie, natuklasan nila na may kasamang droga ang kahon-kahong mga bote ng pukyutan na ipinadadala ni Artemio kila Lydia. Samantala, nabuntis si Adora, at naglaho naman si Ernie—nagpakasal diumano sa ibang babae at nagtungo sa Amerika. Nagbalik ito makaraan ang anim na taon, ngunit huli na ang lahat.
Tila baga inimbento ang katagang "corny" para sa pelikulang ito. Corny ang istorya. Corny ang dialogue. Corny ang acting. Corny ang editing. Corny ang cinematography. Nakakagigil. Limang minuto ka pa lang sa sinehan ay sinusumbatan mo na ang sarili mo, "Bakit ba ako nagtitiis manood nito?" Nakakainip ang mga eksena. Walang kakuwenta-kuwenta ang mga pangungusap. At ang pag-arte! Tiyak na hindi papasa kahit sa audition sa isang matinong direktor. Dapat siguro'y ibalik sa acting school ang mga artista ng Pukyutan , pati na ang kanilang direktor. Ang casting ay saliwa: hindi kasuklam-suklam si Rita Magdalena bilang isang "matandang tiyahin" pagkat mukhang "ate" lamang siya ni Adora. Hindi rin makatotohanan ang karakter ni Adora at Elsa (KC Castillo) bilang mga dalagang baryo pagkat naka-bikini sila kung maligo sa dagat at maging mga duster nilang suot-pambahay ay pawang mga spaghetti-strapped at naghahantad ng mayayamang dibdib. Mas mukha pa silang mga GRO (Guest Relations Officer) o "sexy dancers" sa Ermita na naligaw lamang sa probinsiya.

Masakit Huwag Mong Ipilit
Isang matagumpay na sales agent si Brian (Jeffrey Gonzales) sa kumpanya ng asawa niyang si Almira (Rita Magdalena). Ito rin ang tumulong para makapagtapos siya sa kolehiyo. Mahal ni Brian ang asawa at lagi inuunawa ang pagkukulang nito sa kanya, maging ang kawalang tiwala nito sa kakayahan niyang magpalakad ng kumpanya, kahit na ibinigay pa sa kanya ang posisyong vice president. Kaya naging masakit para sa kanya nang ipalaglag ni Almira ang kanilang anak dahil sagabal daw ito sa trabaho. Naiwan sa pamamahala ni Brian ang negosyo nang maaksidente ang asawa. Dito ay napalapit siya kay Cathy (Hazel Espinosa) na best friend atexecutive secretary ni Almira, at nagkaroon ng relasyon. Natuklasan ito ng asawa nang makita sila sa opisina na nagtatalik. Ano kaya ang gagawin ni Almira sa kanyang nakita? Tatanggapin kaya niya si Brian kung ito ay babalik sa kanya?
MASAKIT…Huwag mong ipilit.. ay isa na namang pelikulang sa pamagat pa lang ay seks na ang temang tinutumbok. Mayroong maaaninag na magandang kuwento, pero dahilan sa mga eksenang seks at komedyang pampagulo lang naman, naaapektuhan ang sana'y maayos na daloy nito. Mapapansin na kulang pa sa karanasan ang cast sa pag-arte, bagama't kakikitaan ng potentialsina Hazel Espinosa at Rita Magdalena. Iwasan lang sana nila ang pag-oover-acting sa mga eksenang dramatic.Ang mga nabanggit na pagpuna ay hindi nangangahulugang wala nang iba pang kahinaan ang kabuuan ng pelikula.

Subscribe to:
Posts (Atom)