Sa kabila ng sapilitang pagpapakasal kay Tonio (Celso Ad Castillo) na malaki ang tanda sa kanya, sinikap ni Sally (Diana Zubiri) na maging isang mabuting asawa. Nang ampunin ni Tonio ang estrangherong ex-convict na si Dennis (Winston Elizalde) na nagligtas sa kanyang buhay,napukaw ang damdamin ni Sally para sa binata. Samantala, nilustay ng nag-iisang anak na si Eric (Rodel Velayo), anak ni Tonio, ang salaping ninakaw sa ama nang siya ay maglayas. Hinimok ng kasintahang si Leah (Allona Amor) na bumalik sa ama at humingi ng tawad si Eric, ngunit ito'y para lamang makuha na nila ang yamang mamanahin ng binata. Sa napakagandang duck farm ni Tonio nagkasama-sama ang lima at naganap ang mga hindi inaasahan.
Kay gandang tanawin at unawain ang pagpapatakbo ng isang duck farm sa Rizal na epektibong isinalarawan sa pelikula ng ace photographer na si Romeo Vitug. Subalit anumang ganda ng sinematograpiya o mensahe ng pelikulang Itlog ay nalalambungan ng temang KKK – kalaswaan, kasakiman at karahasan, ang mga elemento ng kasamaan na sumisira sa buhay ng isang tao. Meron itong adultery, live-in arrangement, thievery, murder, alcoholism. Maraming sigawan at higit na maraming hubarang hindi naman kailangan ng istorya. Gandang Pilipina si Diana Zubiri at mukhang may ibubuga sa pag-arte. Sayang lang at pinili niya ang daan sa mabilis na pagsikat at pagkakakitaan: ang paghuhubad.
Showing posts with label allona amor. Show all posts
Showing posts with label allona amor. Show all posts
Halik Sa Aking Lupa
Bilang isang policewoman, maraming pagkakataon na nanganib ang buhay ni Leonora, (Allona Amor) sa mga kamay ng mga kriminal na kanyang tinutugis. Ang pinakasukdulan ay nang pinatay nila ang kanyang buong pamilya – asawa, magulang at kapatid. Ang gumawa nito ay si Cobraga (Jeffrey Santos) na ibig ipaghiganti ang kamatayan ng kanyang kambal na si Vibora, isang drug lord. Ang massacre na naganap sa harap mismo ni Leonora ay matinding tumimo sa kanyang katauhan at ipinangako niya na kailangang pagbayaran nila ang nangyari. Paano niya masusukol ang mga bandidong ito? Hindi ba niya bibigyang halaga ang payo ng kanyang kasintahang si Froilan (Raffy Anido)?
Isa itong action flick na may anim na mahahaba at maiinit na bed scenes at kung titignan ang kabuuan ng kuwento, hindi naman kailangang isama ang mga ganitong eksena. Simple lang ang dahilan ng estilong ito: pang-akit sa mga manonood na kalalakihan ang sex scenes lalo na sa presensya ni Allona Amor! At upang makalusot sa "gunting" ang sex at karahasan, sinamahan ng mga rural scenes na pangpa-kalma kung ikaw ay humihingal na sa panonood! Masaydong magalaw ang kamera, hindi maiwasang mahilo o sumakit ang ulo ng manonood. Sa kuwento, si Allona ay super –galing sa kanyang pakikipaglaban sa mga bandidong kaaway – barilan, suntukan, karate, habulan – para siyang pinagsamang FPJ at Jess Lapid na hindi nasusugatan, hindi tinatamaan ng bala o nagagalusan man lang. At take note, nakipagsagupaan siya na nakahubad!

Malikot Ang Agos Movie
Malikot ang Agos features a pretty campus girl, Veronica Gatchalian (Allona Amor) who gets herself into a complex set of problems. Defying what to her is her lola's unusual strictness, Vero gives in to her promiscuity. She goes into staying out late with her friends, drinking and sleeping with boyfriend Rico (Shanghai). Having peeped at her lola's tenant Totoy (Fernando Montenegro) bathing naked, she tempts him into giving in to her fleshly desire. Her string of troubles begin when she disregards her lola's instructions to stay home and nurse her continually sick mother, instead of attending the "birthday" party of a friend. Defiant, she goes off, leaving her consenting mother to a specially challenged Uncle Boyong and his playmate, a little boy Ato. From hereon, Vero's life takes a number of bizarre turns.
The movie's technical aspects leave much to be desired. For one, it includes details that are not relevant to the plot. Instances are the old man Boyong playing very odd games with Ato; Vero's flashback involving her mother and herself as a girl, and instructions for Vero to give her Uncle Boyong a bath which never happens. Two, it is unimaginable that a young woman's rebellion against parental authority could take her through so many extraordinary incidents, which she escapes unharmed and untraumatized. The so-so acting shows an improperly directed film and an inexperienced cast. The scenes are stagy.

Kasibulan Movie
KASIBULAN… mga hakbang na papalayo sa kadalisayan ng kamusmusan upang mamulat at humarap sa katotohanan ng buhay. Ang kasaysayang ito ay umiikot kay Daisy (Allona Amor), isang nagdadalagang laki sa hirap sa Isla Sinagtala. Dahil sa angking kagandahan, siya ay inalok na mag-artista na kanya namang tinanggap sa pagnanais na namakaahon sa kahirapan. Malungkot niyang iniwan ang amang si Temyong (Vic Santos) at ang kasintahang si Jomer (Paolo Rivero) upang makipagsapalaran sa daigdig ng pelikula. Subalit huli nang malaman niyang gagamitin lamang dito ang kanyang katawan. Ang pinakamasakit sa lahat, siya ay nabuntis ng kasama sa pelikulang si Regis (Diego Salvador), na ayaw panagutan ang pangyayari. Paano haharapin ni Daisy ang naghihintay na ama't kasintahan?
Hanggang ngayon, hindi rin maiwasan ang mga prodyuser ang pangungumersiyo sa sex para mabili ang kanilang pelikula. Ang kasibulan ay sagana sa hubaran, pre-marital sex, paninilip at walang humpay na pagtatalik. Ang plot ay karaniwan at mababaw. Mabagal ang takbo ng istorya, at may mga eksenang hindi kailangan sa kuwento. May isang aspeto ng sinematograpiya na masasabing maganda. Sa isang taga-siyudad, kay sarap panoorin sa pelikula ang mga tanawin sa isang baryo na di pa abot ng makabagong takbo ng buhay: ang bahay kubo, ang dagat na busog sa biyaya ng Maykapal, naggagandahang bulaklak, ang makulay na pagsikat at paglubog ng araw. Nakatutuwang pagmasdan ang ilang tradisyong Pilipino sa pelikulang ito na masasabing buhay pa sa mga baryo: ang Santacruzan, ang pakikiramay sa namatayan, bayanihan, family ties na umuudyot at nagpapatibay sa pagbabalik loob ng isang nagkasala. Angkop ang production design sa nasabing kuwento.

Huli Sa Akto Movie
Nang niligtas ni Delfin (Jestoni Alarcon) sa masasamang loob ang pinaka-makapangyarihang Don Fernan (Roy Alvarez) ng isla San Cristobal, pinangakuan siya nito na tutulungan siyang matupad ang kaniyang pangarap na magingseaman. Kapag uma-alis ng isla ang Don, si Delfin na ang pinagkakatiwalaan ng kanyang negosyong pangingisda, pati na ng pagbabantay sa kaniyang napakabatang asawang si Ana (Allona Amor). Nalaman ni Delfin na mula ng nakasal si Ana sa mayamang Don, bilang pambayad-utang ng kanyang mga magulang, ang buhay nito ay ang di na usong kamartiran, na puno ng kalupitan at kataksilan. Nagka-ibigan ang bantay at ang binabantayan, at nangako si Delfin na itatakas niya si Ana. Ngunit di niya alam ang sukdulang kasamaan ni Don Fernan.
Pangkaraniwan ang pelikulang ito na may pangkaraniwang dingplot.Mula sa pagpapakilala ni Fernan kay Ana at Delfin, mahuhulaan na ng manonood na magkaka-ibigan ang dalawa hanggang sa mahuli na nga sila sa akto. Bagamat magaganda ang mga tanwing tabing-dagat, nakakainip naman ang daloy ng istoriya, at mahina ang editing. Bukod kay Roy Alvarez, mabagal at pawang bagito at asiwang kumilos ang mga pangunahing artista. Magigising lamang ang manonood pagdating ng bakbakan. Totoong mahirap humanap ng mapipisil na katangian sa pelikulang ito.

Subscribe to:
Posts (Atom)