Kilala sa campus ang pagiging playboy ng basketball star na si Nick (Wendell Ramos), bagama't tinutudyo ito ng barkada na ang kaya lamang niyang "ikama" ay ang mga babaeng tulad niya na "mahihilig." Nagpustahan ang barkada ni Nick na hindi nito mahihimok ang birheng si Cathy (Maui Taylor) upang isuko sa binata ang kanyang virginity. Si Cathy ay isang freshman sa kolehiyo na kilalang matalino na ay matino pa, at hindi katulad ng kanyang ateng playgirl na si Diane (Patricia Javier). Tinanggap ni Nick ang hamon, at pagka't tagahanga ni Nick si Cathy, hindi nahirapan ang binatang paamuin ang dalaga at makuha ang pinagpustahan. Napuno ng galit at paghihiganti ang puso ni Cathy nang siya'y "ibasura" na lamang ni Nick kinabukasan. Sa pamamagitan ng panunukso at pang-uuto kay Louie (Jordan Herrera)—kaibigan at kaklase ni Cathy na matagal nang may pagtingin sa dalaga—ay naisagawa nito ang sukdulang paghihiganti kay Nick.
Tulad ng karamihan sa mga pelikulang "bomba", mukhang pinag-abalahan talaga ang mga eksena sa kama dito, ngunit pinabayaan naman ang iba. Halimbawa, mahahaba at detalyado ang eksenang kama, maingat sa lighting, sounds at cinematography; ngunit mahihilo ka naman sa likot ng kamera at mabibingi ka sa lakas ng bunganga ng mga karakter sa mga eksena sa paaralan. Bagama't pasable na rin ang direksiyon (na lumutang sa pagganap ni Herrera at Ramos sa banding huli), napakarupok naman ng karakterisasyon—nagmukha tuloy isang istorya lamang ito ng apat na tauhang pare-parehong may sira sa ulo, sa halip na isang kasaysayang may pahatid na gintong aral sa kabataan. Sayang, sapagka't kung ibabatay lamang sa reaksiyon ng mga binatang nanood ng pelikula noong unang araw ng paglabas nito, ang nananatili sa isipan ng manonood ay ang mga hubaran lamang; tila walang nakapuna sa mga aral na napapaloob sa kuwento.
Showing posts with label patricia javier. Show all posts
Showing posts with label patricia javier. Show all posts
Marital Rape Movie
Hindi sangayon ang doktorang si Racquel (Patricia Javier) sa pre-marital sex at nais niyang ihandog ang sarili sa kanyang magiging asawa lamang. Ito ang dahilan kung bakit siya nakipagkalas sa kasintahang si Mon (Tonton Gutierrez). Ito rin ang dahilan king bakit tampulan siya ng kantyawan ng mga kasamahang doctor na napaka-moderno ang pananaw sa seks. Naging pasyente niya si Brian (Raymond Bagatsing) at hinangaan niya ang paggalang na iniukol ng binata nang sila ay magkasintahan na. Sila ay nagpakasal, at sa mga unang araw ng kanilang pagsasama, unti-unting natuklasan ni Racquel ang tunay na pagkatao ni Brian. Huli na nang malaman niya ang kahayukan ng asawa na isa pa lang sex pervert.Matatakasan ba ni Racquel ang buhay na ito?
Mahusay ang pagkakadirible ng pelikula at maipagmamalaki ang bahaging teknikal. Ang sinematograpiya ay kahanga-hanga at maganda ang lighting. Angkop ang musika at biswal na nagpapaalab sa mga bahaging may tension. Maayos ang editingna nagpapaganda ng daloy ng kuwento. Kung matino ang kaanyuhan ng pelikula, ay gayundin ang masasabi sa nilalaman. Makatotohanan at masinop ang pagtatalakay sa buhay ng isang battered wife na biktima ng isang asawang hayuk sa laman. Makasining ang pagtatalik ng mag-asawa sa kuwento. "It is done in good taste," ika nga. Mahusay ang pagkaganap ng mga bumubuo ng main cast at napatunayan nila ang kahusayan sa pagganap.

Subscribe to:
Posts (Atom)