Showing posts with label aya medel. Show all posts
Showing posts with label aya medel. Show all posts

Eva Lacson Movie

Isang mapait na nakaraan ang nagtulak kay Eva (Aya Medel) upang magkaroon ng iba't-ibang relasyon sa mga lalake. Nagsilbi siyang salot at lason sa mga lalaking nagdaan sa kanyang buhay. Si Don Raymundo (Eddie Gutirrez) na gumahasa sa kanya, si Dante (Allen Dizon) na kanyang kasintahan, si Atty. Caparos (Brandon Legaspi) na namamahala sa kanyang mana …..ilan lang sila sa mga biktima ng kanyang poot at paghihiganti. Saan hahantong ang ganitong buhay?

Mayroon ba ngayong festival ng bold films? Para kasing mga nagsulputang kabute ang mga malalaswang pelikulang ipinapalabas ngayon! Bakit tila yata nakakaligtas ang mga pelikulang ito sa "talas ng gunting"? Walang masasabing maganda o mabuti sa pelikulang Eva. Ang iyong tenga ay pupunuin ng malalaswang lengguwahe at ang iyong mata ay bubusugin ng marumi't mahalay na seks. Ang napakaraming eksenang seksuwal ay nakakasuka. At tulad ng maasahan, ang seks dito ay pang-akit sa manonood.

Bukang Bibig

Pangarap ng ina ni Myrna (Aya Medel) na makapag-asawa ng mayaman ang dalaga. Katunayan, ito ang kanyang bukang bibig tuwing may dukhang manliligaw kay Myrna. Naging kasintahan ni Myrna si Ariel, hindi dahil sa ito ay mayaman, kundi dahil tunay naman niyang mahal ang binata. Samantala, ang Kuya Segundo ni Ariel ay nagkaroon ng relasyon sa kanyang sekretaryang si Cora (Sydney Segovia) na nailihim sa asawang si Adela (Yda Manzano). Ang nobyo ni Cora ang bukod tanging nakakaalam ng relasyon dahil ibig nilang gatasan ang mayamang negosyante.

Ang Bukang Bibig ay may mga kuwentong kinapapalooban ng mga tauhan at pangyayari na maaring maganap sa tunay na buhay. Subalit walang isang katuwiran na makapagtutuhog sa mga kuwentong ito upang maging isang makahulugang istorya. At gawa ng dami ng mga malalaswang eksena sa pelikula, maiisip ng manonood na binuo lamang ito para maging behikulo na naman ng kalaswaan. Marahil sa paniniwala ng prodyuser, "ang seksing eksena, kikita sa takilya."

Venus Dyosa Ng Kagandahan Movie

Matapos pagtangkaang gahasain ng kanyang tiyuhin at hiyain ng kanyang tiyahin sa harap ng kanilang mga kapitbahay, tumakas mula sa kinalakihang bahay ang dalagang si Venus (Aya Medel). Nagtungo siya sa isang isla kung saan naninirahan ang kanyang ina, isang kalapating mababa ang lipad at kilalang "parausan" ng mga lalaki sa kanilang lugar. Masalimuot ang buhay sa islang yaon na pinaghaharian ng mga masasamang-loob na nangangalakal ng shabu at sandata. Di naglaon, naging katulad na ng kaniyang ina si Venus, at ang buhay niya'y nasangkot na rin sa kaguluhan ng buhay sa isla.

Kung Venus, Diyosa ng Kagandahan ang pamagat ng pelikula, natural lamang na umasa ang manonood na ang kuwento'y tungkol kay Venus. Ngunit hindi ito ang nangyari. Maraming kuwentong pinaghahabi-habi ang pelikula, ngunit walang iisang kuwentong nangingibabaw upang matawag na "plot" nito. Malabo ang mensaheng gustong ipaabot ng Venus bagama't malinaw na gustong kumita nito sa takilya. Bakit namin nasabi ito? Pagka't napakarami at napakahaba ng mga eksenang nagbibilad sa katawan ng mga artistang babae—sariwa man o "gurang." Sinikap ng pelikulang maging "kuwela" sa maraming manonood sa pamamagitan na pagsisiksik dito ng mga sangkap na karaniwang "kumikiliti" ng madla, tulad ng "tarayan" ng mga bakla, mga kakuwanan ng isang sintu-sinto, ang mabangis na pagbababag ng mga babae dahil sa lalaki, mga eksena ng panggagahasa, ang pagka-karate ng isang pari (na nagka-anak sa isang babaeng bayaran bago siya pumasok ng seminaryo), mga batukan at sampalang wala sa lugar, at iba pa. Ang resulta? Tsapsuy. Halu-halong kalamay na umiinsulto sa katalinuhan ng manonood na Pilipino.

Naked Nights Movie

Nang lisanin ni Tony (Gerard Madrid) ang kanyang ama sa probinsiya sa pangarap na mapaunlad ang kanilang buhay, nahirapan siyang maghanap ng mabuting trabaho sa Maynila. Ang hinantungan niya ay maging torero (performer sa live sex act) sa Naked Paradise Club, kasama sina Jenny (Aya Medel), Lorna (Pamela Ortiz) at Mike (Allen Dizon). Masaya sa grupo si Tony, at di nagtagal ay nagmahalan sina Jenny at Tony, sa galit ni Mike na matagal ng nanliligaw ngunit di sinasagot ni Jenny. Ang tanong ni Jenny sa manliligaw, "Bakit mo pa ako liligawan, samantalang gabi-gabi ay ina-angkin mo na ako?" Isang payo ni Lorna kay Jenny "Huwag kang umasa na tototohanin ka. Tayo ay parausan lamang, hindi pang simbahan." "At bakit" sagot ni Jenny, "masama bang umasa at mangarap?" Talaga bang wala ng pag-asa sa pagmamahal at kaligayahan ang tulad nila?

Ang pelikula ay tungkol sa isangscriptwriter (Pinky Amador) na naatasang sumulat ng script para sa isang low-budget production. Ang kinalabasan ay kuwento sa loob ng isang kuwento at sa loob pa muli ng iaa pang kuwento na naging napakahirap subaybayan. Dahil sa temang seks, pinilit disimulahin ito ng direktor sa pagpapadilim ng mga kuha. Kahit kapuna-puna na marami ang naging cut, kung makaminsan ay masyado pa ring graphic ang dating ng ilang sex scenes at mayroon pa ring maaanghang na pagmumura. Sa mga nakapanood ng Live Show at ang iba pang katulad nito, ito'y isa na naman sa na-uusong pagsasapelikula ng buhay na kapit sa patalim dahil sa kahirapan.