Ipinamigay si Adora (Nini Jacinto) ng kanyang ina noong bata pa siya sapagkat lagi na lamang siyang nagiging dahilan ng pag-aaway ng ina at ng asawa nito. Lumaki si Adora sa piling ng kanyang tiyahin na si Lydia (Rita Magdalena), isang bagay na hindi nakabuti sa bata sapagkat nang magdalaga si Adora ay tinangka ni Lydia na ipambayad-utang ito sa biyudong si Artemio, may-ari ng beefarm na pinagkukunan ng panindang pukyutan ni Lydia at ng asawa nitong si Ding. Matagal nang nililigawan ni Nato si Adora ngunit ang napupusuan ng babae ay si Ernie, isang batang doktor na nadestino sa kanilang baryo. Sa pagkakalapit ni Adora at Ernie, natuklasan nila na may kasamang droga ang kahon-kahong mga bote ng pukyutan na ipinadadala ni Artemio kila Lydia. Samantala, nabuntis si Adora, at naglaho naman si Ernie—nagpakasal diumano sa ibang babae at nagtungo sa Amerika. Nagbalik ito makaraan ang anim na taon, ngunit huli na ang lahat.
Tila baga inimbento ang katagang "corny" para sa pelikulang ito. Corny ang istorya. Corny ang dialogue. Corny ang acting. Corny ang editing. Corny ang cinematography. Nakakagigil. Limang minuto ka pa lang sa sinehan ay sinusumbatan mo na ang sarili mo, "Bakit ba ako nagtitiis manood nito?" Nakakainip ang mga eksena. Walang kakuwenta-kuwenta ang mga pangungusap. At ang pag-arte! Tiyak na hindi papasa kahit sa audition sa isang matinong direktor. Dapat siguro'y ibalik sa acting school ang mga artista ng Pukyutan , pati na ang kanilang direktor. Ang casting ay saliwa: hindi kasuklam-suklam si Rita Magdalena bilang isang "matandang tiyahin" pagkat mukhang "ate" lamang siya ni Adora. Hindi rin makatotohanan ang karakter ni Adora at Elsa (KC Castillo) bilang mga dalagang baryo pagkat naka-bikini sila kung maligo sa dagat at maging mga duster nilang suot-pambahay ay pawang mga spaghetti-strapped at naghahantad ng mayayamang dibdib. Mas mukha pa silang mga GRO (Guest Relations Officer) o "sexy dancers" sa Ermita na naligaw lamang sa probinsiya.
Showing posts with label nini jacinto. Show all posts
Showing posts with label nini jacinto. Show all posts
Dlawang Pisngi Ng Langit Movie
Magkaklase sila Ellen (Nini Jacinto) at Brian (Francis Enriquez). Sa paniwala ng kanilang mga kaklase, sadya lamang nakaririwasa sa buhay ang dalawa, nagbibihis ng mamahalin, may sari-sariling kotse, maganda ang bahay; sa madaling salita, buhay mayaman. Ang totoo, si Ellen ay "alaga" ng abugadong si Meliton Lanuza (Mike Magat), samantalang si Brian ay "alaga" naman ng mayamang si Donya Laura Mendoza (Alma Soriano). Parehong nagpapanggap na mga kapatid ng kani-kanyang mga "alaga" ang sugar mommy at sugar daddy na si Laura at Meliton. Nagkaibigan si Ellen at si Brian, at palihim na nagtatagpo hanggang sa mabunyag ang kanilang relasyon.
Iisang kataga lamang ang naaakma tungkol sa acting, sa dialogue, sa sounds, sa lighting at sa screenplay ng Dalawang Pisngi ng Langit: pangit. Ang buong pelikula'y parang eksperimento lamang ng mga bagito, at tila binuo nang walang pakundangan sa katalinuhan ng manonood. Kung sabagay, sa pamagat pa lamang ay dapat mahulaan na ninyo kung ano ang laman ng pelikula. Dalawang bagay ang ibig sabihin ng "pisngi ng langit" sa Tagalog: ang dalawang malamang bahagi ng puwit, at ang dalawang kabiyak ng ari ng babae. Bagama't hindi ipinakikita ang mga bahaging ito ng katawan, malinaw na ang tangka ng mga prodyuser ng Pisngi… ay gamitin ang katawan ng babae upang iluklok na naman sa trono ang "bomba". May istorya sana ang Pisngi…, may leksiyon sana, pero dahil sa napakahahabang eksena ng hubaran, halikan at pagtatalik, lumalabas na masyadong itinataas ng pelikula ang halaga ng pag-ibig na seksuwal. Ang mga eksenang seksuwal lamang ang mukhang pinagmalasakitan ng kameraman upang pagandahin ng kaunti—ngunit sa ibang bahagi ng pelikula, hindi lamang aesthetics ang nalimutan ng direktor kundi pati na rin common sense. Halimbawa, halos lahat ng eksena ay nilamon ng mga pangunahing artista: sila lamang ba ang mga tao sa mundo nila? Bakit walang pamilya, kapitbahayan, komunidad?

Subscribe to:
Posts (Atom)