Showing posts with label alma soriano. Show all posts
Showing posts with label alma soriano. Show all posts

KALABIT

Hindi masaya sa kanyang buhay may-asawa si Andrea (Ara Mina), sinasaktan siya ng kanyang asawang si Boggs (Raymond Bagatsing) na isangsecurity guard na wala ring malasakit sa kanyang pangangailangang sekswal. Nang minsang papuntahin ni Boggs ang ka-relyebong security guard na si Tonyo (Carlos Morales) sa kanilang bahay upang dalhan ng pagkain si Andrea, magkahalong awa at bighani ang ang naramdaman ni Tonyo kay Andrea. Nakatagpo ng karamay si Andrea kay Tonyo hanggang nagkaroon sila ng sekswal na relasyon. Hindi lamang sa trabaho naging magkarelyebo sina Boggs at Tonyo, lingid sa kaalaman ni Boggs, karelyebo din niya sa asawa si Tonyo. Unti-unting lumalim ang pagnanasa ni Tonyo kay Andrea habang lalong lumalala ang pagsasama nina Boggs at Andrea. Ngunit ang pagnanasa ni Tonyo ay umabot sa sukdulan at dito ay lumabas ang tunay niyang kulay na kasing-sahol kundi man masahol pa kay Boggs. Panay ang banta ni Boggs na papatayin si Andrea kapag nahuli siyang may ibang lalaki, kasabay din ng banta ni Tonyo na magsusumbong kay Boggs kapag hindi sumama sa kanya si Andrea.

Higit sa inaasahan ang ipinamalas ng Kalabit kung teknikal na aspeto ang pag-uusapan. Maayos ang pakakahabi ng kuwento, may laman ang dialogo, akma ang sinematograpiya at komposisyon. Hindi nga lang masyadong kapani-paniwalang sa matagal na panahon ay naitago nina Andrea at Tonyo ang kanilang relasyon samantalang ding-ding lamang ang pagitan ng kanilang bahay sa mga kapitbahay. Paanong hindi masisilip o maririnig man lang ng mga kapitbahay ang mga halinghingan ng dalawa? Lumutang naman ang kagalingan ng mga pangunahing tauhan na pawang nga premyado. Isang rebelasyon din si Alma Soriano na sadyang lumutang sa iilan niyang eksena.

Sakim Sa Pag-ibig

Walang swerte sa pag-aasawa si Hilda (KC Castillo), anak ng kagalang-galang na hepe ng pulis, dahil ang asawa niyang si Dolfo (Francis Enriquez), bukod sa batugan at walang trabaho, ay babaero at sugarol pa. Ang Major (Bomber Moran) naman ng bayan ay ligawin ng mga bugaw na panay ang regalo sa kanya ng sariwa at batang mga babae, hanggang ang lola ng isa sa mga regalong ito ay nagsumbong sa pulis. Nangako si Hepe na siya mismo ang huhuli sa salarin. Dahil sa laki ng utang ni Dolfo kay Major, hindi siya nakatanggi ng maatasan siya ni Major na pumatay kay Hepe na biyenan niya. Pagkamatay ni Hepe, hinalay ni Dolfo ang nakatatandang kapatid ng asawa niya na dalagang si Juliet (Alma Soriano), at mula noon ay pinaglaruan na niya ang magkapatid sa kama. Hanggang saan hahantung ang kasamaan ni Dolfo?

Halatang-halata na ito'y isang bold quickie, kung saan lahat ng may kinalaman dito ay pawang baguhan at ang karamihan sa kanila ay di kilala. Ang kinalabasan ay kuwentong walang kalatoy-latoy, mahinang direksiyon, mahinang mga nagsiganap, at mahinang lahat-lahat na. Sa kupad ng daloy ng istorya at mga ligaw na mga eksena, pilitin man ng manonood na umasa na baka sakaling may kauuwian ito sa bandang dulo, ang kinauwian lang ay kabiguan. Ang manonood ay maiinis at maiinip sa paghihintay na matapos na sana at maka-uwi na.

Dlawang Pisngi Ng Langit Movie

Magkaklase sila Ellen (Nini Jacinto) at Brian (Francis Enriquez). Sa paniwala ng kanilang mga kaklase, sadya lamang nakaririwasa sa buhay ang dalawa, nagbibihis ng mamahalin, may sari-sariling kotse, maganda ang bahay; sa madaling salita, buhay mayaman. Ang totoo, si Ellen ay "alaga" ng abugadong si Meliton Lanuza (Mike Magat), samantalang si Brian ay "alaga" naman ng mayamang si Donya Laura Mendoza (Alma Soriano). Parehong nagpapanggap na mga kapatid ng kani-kanyang mga "alaga" ang sugar mommy at sugar daddy na si Laura at Meliton. Nagkaibigan si Ellen at si Brian, at palihim na nagtatagpo hanggang sa mabunyag ang kanilang relasyon.

Iisang kataga lamang ang naaakma tungkol sa acting, sa dialogue, sa sounds, sa lighting at sa screenplay ng Dalawang Pisngi ng Langit: pangit. Ang buong pelikula'y parang eksperimento lamang ng mga bagito, at tila binuo nang walang pakundangan sa katalinuhan ng manonood. Kung sabagay, sa pamagat pa lamang ay dapat mahulaan na ninyo kung ano ang laman ng pelikula. Dalawang bagay ang ibig sabihin ng "pisngi ng langit" sa Tagalog: ang dalawang malamang bahagi ng puwit, at ang dalawang kabiyak ng ari ng babae. Bagama't hindi ipinakikita ang mga bahaging ito ng katawan, malinaw na ang tangka ng mga prodyuser ng Pisngi… ay gamitin ang katawan ng babae upang iluklok na naman sa trono ang "bomba". May istorya sana ang Pisngi…, may leksiyon sana, pero dahil sa napakahahabang eksena ng hubaran, halikan at pagtatalik, lumalabas na masyadong itinataas ng pelikula ang halaga ng pag-ibig na seksuwal. Ang mga eksenang seksuwal lamang ang mukhang pinagmalasakitan ng kameraman upang pagandahin ng kaunti—ngunit sa ibang bahagi ng pelikula, hindi lamang aesthetics ang nalimutan ng direktor kundi pati na rin common sense. Halimbawa, halos lahat ng eksena ay nilamon ng mga pangunahing artista: sila lamang ba ang mga tao sa mundo nila? Bakit walang pamilya, kapitbahayan, komunidad?